MANILA – Kaninang alas-3 ng madaling araw, namataan ang isang low pressure area (LPA) na nasa 210 kilometro sa timog timog-kanlurang bahagi ng Puerto Princessa City, Palawan na kasabay ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto ngayon sa Palawan at Mindanao, ayon sa PAGASA.
Samantala, ang buntot ng frontal system ay nakakaapekto naman sa silangang bahagi ng Northern at Central Luzon habang northeast monsoon nanam ang nakakaapekto sa Northern Luzon.
Ang Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Quezon, at Rizal ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa tail-end ng frontal system.
Ang natitirang bahagi ng CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, at Mindanao ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa LPA/ITCZ.
Posibleng magkaroon ng flash floods o landslides sa mga nabanggit na lugar bunsod ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan..
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan dahil sa localized thunderstorm ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa.
Sumikat ang araw kaninang alas-6:25 ng umaga at lulubog bandang alas-5:50 ng hapon. (AI/FC/MTVN)