Operasyon ng ‘Makati Shang’ suspendido muna

Operasyon ng ‘Makati Shang’ suspendido muna

Nakakalungkot man isipin lalo na sa mga kababayang Pilipino na mawawalang ng hanap-buhay ngunit nagdesisyon na ang administrasyon ng 5-star hotel na Makati Shangri-la sa pansamantalang pagsasara nito at pagbawas ng kawani simula kahapon, 20 January 2021.
Samantala, suspension ng operasyon ng Makati Shangri-La ay epektibo naman sa darating na Pebrero 1, 2021 ayon pa sa administrasyon ng hotel.
Sanhi ng matinding economic crisis dulot ng COVID-19 pandemic ang pagsasara ng pamosong hotel na nangako namang tutulong sa mga kawani nito makahanap ng ibang papasukan habang kagyat pa ang pandemyang lumumpo sa hotel at tourism industry. (JHUN MABANAG/AI/MTVN)

Leave a Reply