Nagmistulang “Spidermen” ang mga manggagawang naglilinis ng mga salamin ng isang mataas na gusali sa Makati City nitong Huwebes, Enero 21, 2021. Nang araw din yaon ng Huwebes, nag-file ang Kilusang Mayo Uno (KMU) ng isang petisyon may kaugnayan sa sahod upang madagdagan ang pang-araw-araw na gastusin ng mga manggagawa sa buong bansa sa gitna ng pandemya na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng lahat ng mga pangunahing bilihin. Ayon sa KMU, kinakailangan ang pagtaas ng suweldo upang mapagkasya ng mga manggagawa ang mga pangangailanganng bawat pamilya. Hiniling din ng grupo sa Kongreso na bilisan at unahin ang pagpasa ng P750 National Minimum Wage bill. (Jhun Mabanag/AI/MTVN)
