‘Pinas makikinabang sa US immigration policies ni Biden — envoy

‘Pinas makikinabang sa US immigration policies ni Biden — envoy

MANILA — Makikinabang ang Pilipinas sa mga polisiya ukol sa immigration na ipatutupad ng administrasyon ng bagong pangulo ng Estados Unidos na si Joe Biden.

Ito ang paniwala ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez dahil isa sa mga programa ng Biden administration ay ibalik ang nakalipas na patakaran ukol sa immigration.

“Alam ko ‘yan ‘yung one of the main programs of the Biden administration is to go back to what they had, ‘yung kanilang immigration policies. So that will of course benefit our Filipino kababayans,” wika ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez, kinikilala ng Democratic Party, kung saan kabilang si Biden, ang immigration bilang mahalagang kultura ng Estados Unidos.

“Most Americans come from other parts of the world and they believe that the US is what it is today because of immigrants,” dagdaag pa niya.

Maliban pa rito, balak din ng administrasyon ni Biden na palakasin ang Deferred Action for Childhood Arrivals (DACA) program para sa immigrant na dinala sa Estados Unidos noong sila’y mga bata pa upang hindi mapa-deport. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply