MANILA – Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na lumabas ang mga edad 10 hanggang 65 anyos sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, magkakabisa ang bagong kautusang ito sa unang araw ng Pebrero.
Kasabay nito, hinikayat ni Roque ang mga lokal na pamahalaan na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) na magpatupad na rin ng kahalintulad na polisiya.
“Any person below ten (10) years old and those who are over sixty-five years of age shall be required to remain in their residence at all times,” paglilinaw ni Roque.
Bago rito, hiniling ng Department of Trade and Industry (DTI) sa IATF na payagan nang lumabas ang mga edad 10 pataas para makatulong sa pagpapalakas ng ekonomiya. (AI/FC/MTVN)