4 umano’y kidnapper patay sa QC, dinukot na Chinese nakaligtas

4 umano’y kidnapper patay sa QC, dinukot na Chinese nakaligtas

MANILA – Napatay ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group at Quezon City Police District-Special Operations Unit ang apat na umano’y kidnapper sa isang engkuwentro sa Barangay Holy Spirit, Quezon City kaninang madaling araw.

Nailigtas naman ng awtoridad ang dinukot na Chinese national na hindi agad nabatid ng pangalan.

Ikinasa ng mga pulis ang operasyon matapos matanggap ang ulat na isang Chinese national ang dinukot ng apat na lalaking Pinoy.

Sa follow-up operation, natukoy ng mga pulis bandang alas-3:40 ng madaling araw ang hideout ng mga suspect kung saan nila dinala ang biktima.

Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at mga kidnapper na humantong s pagkamatay ng mga suspect, na inaalam pa rin ang pagkakakilanlan.

Nakarekober ang mga pulis ng ilang baril, hand grenade at umano’y shabu sa hideout. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply