Byahe ng LRT-2 sa Santolan Station, balik operasyon na ngayong araw

Byahe ng LRT-2 sa Santolan Station, balik operasyon na ngayong araw

Ni Rambo Labay

MANILA — Bubuksan nang muli ngayong araw ng LRT-2 Management ang Santolan Station sa Pasig City para muling bumiyahe ang mga tren hanggang Recto Station sa Maynila.

Magagamit na simula ngayon ang Santolan Station, Katipunan Station at Anonas Station na mahigit isang taon ding hindi nagamit matapos masunog ang rectifier sa linya ng kuryente nito.

Sa abiso ng DOTr-LRT-2 Management, maaari na muling makasakay ang mga pasahero mula Santolan Station patungong Recto Station at vice versa.

Alas singko ng umaga ang unang biyahe ng LRT-2 sa Santolan Station patungong Recto Station habang alas 8:30 ng gabi ang huling biyahe.

Alas singko din ng umaga ang unang biyahe sa Recto Station patungong Santolan Station at alas-9 ng gabi ang huling biyahe.

Pinaalalahanan naman ng LRT-2 Management ang mga pasahero na sumunod sa ipaiiral na mga Health Protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at physical distancing habang nasa loob ng mga tren at istasyon nito. (AI/MTVN)

Leave a Reply