DICT: Pag-pressure sa telcos na gandahan ang serbisyo dapat tuluy-tuloy

DICT: Pag-pressure sa telcos na gandahan ang serbisyo dapat tuluy-tuloy

MANILA – Iginiit ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na dapat tuluy-tuloy ang pag-pressure ng pamalaan sa telcos para pagandahin ang kanilang serbisyo.

“Hindi naman tayo nagkulang ng pagbigay ng suporta sa ating mga telecoms company. We should not lessen our pressure on them. In fact we should even intensify the push,” wika ni DICT Undersecretary Manny Caintic sa isang press briefing.

“At the same time, we should do our best, as government also, to alleviate iyong problema sa mga permits,” dugtong pa niya,

Tinitingnan ng DICT ang paglalabas ng isang joint memorandum circular para mapadali ang pagbibigay ng kailangang permit para sa fiber connections

Unti-unti nang nagbubunga ang ginagawang pag-pressure ng pamahalaan sa mga telcos ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Batay sa isang data mula Hulyo July 2020 hanggang December 2020, umakyat ang fixed download speed ng 25.4 porsiyento at ang mobile download speed ng 32.7 porsiyento.

Ayon kay Caintic, gumanda ang serbisyo ng telcos sa tulong ng nadagdag na towers sa iba’t-ibang lugar sa bansa. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply