FLAG-MAHARLIKA tinuligsa ang pag-isnab ng pamahalaan sa 20M Sinopharm Vaccine

FLAG-MAHARLIKA tinuligsa ang pag-isnab ng pamahalaan sa 20M Sinopharm Vaccine

MANILA – Binatikos ng Filipino League of Advocates for Good Governance-Maharlika ang kawalang aksiyon ng pamahalan ukol sa alokasyon na 20 milyong dose ng Sinopharm COVID-19 vaccine para sa mga Pilipino.

“Despite the allocation, and quite recently, pledge for donation of 500,000 doses of Sinopharm vaccine by the Chinese Foreign Minister Wang Yi to the country, our Health officials appear to be dragging their feet in grabbing this golden opportunity,” wika ni Ed Cordevilla, secretary-general ng FLAG-Maharlika, sa isang opisyal na press statement,

“This is a strange attitude while the rest of the world is scrambling for available vaccines,” dagdag pa ni Cordevilla.

Ayon sa CIA World Factbook na hanggang Hulyo 2020, ang populasyon ng buong mundo ay 7,684,292,383 katao o nasa halos 7.7 bilyon.

Sa nasabing bilang, 120 milyong katao ang nasa Pilipinas.

Dahil sa 7.7 bilyon ang tao sa mundo, ang katotohanan ay imposibleng lahat ito ay mabibigyan ng bakuna at aabutin pa ng ilang taon bago ito mangyari.

Kaya lahat ng bansa, lalo na ang mauunlad na nasyon, ay nag-iimbak ng maraming stock para makabalik na sa normal ang kanilang ekonomiya.

Dahil sa kakulangan ng Covid 19 vaccine sa buong mundo at sa pagkilos ng maraming bansa para makatiyak na mayroon silang sapat na stock nito, tinuligsa ng FLAG-MAHARLIKA ang halatang pagbalewala ng pamahalaan sa bakunang gawa ng Sinopharm na may bisa na 79.9% ayon sa international media.

Hindi man lang nababanggit ng pamahalaan ang Sinopharm vaccine sa kabila ng ilang beses na pakikipag-ugnayan ng exclusive distributor nito at ng Chinese Embassy.

Ang totoo, lahat ng pahayag ng pamahalaan ay para lang sa Sinovac na iba at isang pribadong Chinese company kumpara sa Sinopharm na isang kompanya na pinatatakbo ng pamahalaan ng China. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply