MANILA – Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang Professional Regulation Commission (PRC) na magsagawa ng licensure examinations sa unang tatlong buwan ng taon, ayon sa Malacañang.
Ipinagpaliban ng PRC ang mga nakatakdang licensure examinations mula Oktubre hanggang Disyembre dahil sa pandemya.
“The request of the Professional Regulation Commission to conduct and administer the licensure examinations for professionals scheduled for January to March 2021 was approved,” wika ni presidential spokesperson Harry Roque.
Kabilang sa mga pagsusulit na nakatakda sa unang tatlong buwan ng taon ay para sa medical technologists, architects, veterinarians, physical therapists, geologists, psychologists, mechanical engineers, graduates ng medicine, at mga guro.
Una nang sinabi ng PRC na pinag-aaralan na nito na gawin ang pagsusulit sa online para mapigil ang pagkalat ng COVID-19.
“We might be able to start with the smaller boards which may be more manageable,” wika ni PRC Chairman Teofilo Pilando Jr. sa pagdinig ng Senado noong Oktubre. (AI/FC/MTVN)