Ilang dayuhan exempted sa travel ban — IATF

Ilang dayuhan exempted sa travel ban — IATF

MANILA — Hindi na kasama ang ilang dayuhan sa travel ban na ipinag-utos ng pamahalaan para hindi makapasok sa bansa ang bagong strain ng COVID-19 na unang natagpuan sa United Kingdom.

Ayon sa ibinigay na exemption ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), hindi na saklaw ng travel ban ang mga dayuhan na may balidong visa, kabilang ang mga tauhan ng accredited na international organizations.

Exempted na rin ang dayuhang asawa at underage na mga anak ng Filipino citizens na kasama nilang nagbiyahe.

Subalit kailangan nilang sumailalim sa mahigpit na health at safety protocol, kabilang ang 14-day quarantine.

Samantala, inamyendahan ng IATF ang naunang patakaran na dapat sumailalim sa 14-day quarantine ang mga Pilipinong galing sa mga bansang saklaw ng travel ban.

“Inamyendahan ng IATF at ginawa na lamang itong prescribed testing and quarantine protocols,” wika ni Roque.

“Sa Filipino citizens na mayroong highly exceptional and/or medical reasons, at mga lokal na diplomat, sila ay sasailalim pa rin sa applicable quarantine protocols as prescribed by the DOH,” dagdag pa niya.

Saklaw ng ban ang 34 bansa na may naitalang kaso ng UK COVID-19 strain, kasama ang UK, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, the Netherlands, China, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, United States, Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, Austria, Pakistan, Jamaica, Luxembourg, Oman, United Arab Emirates, at Hungary. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply