Karambola ng trike at pick-up: 3 paslit patay, 1 kritikal, sugatan

Karambola ng trike at pick-up: 3 paslit patay, 1 kritikal, sugatan

MANILA — Patay ang tatlong sakay ng tricycle kabilang dito ang dalawang paslit edad dalawa (2) at limang (5) taon at isang 22 anyos na dalaga habang nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan ang isa pang sugatan matapos aksidenteng mabangga ng humaharurot na kulay puting pick-up sa kahabaan ng Romulo highway Barangay Pada-pada sa bayan ng Sta. Ignacia sa lalawigan ng Tarlac.

Sa report ni M/Sgt. Randy Ramos at M/Sgt. Joel Feliciano kinilala ang mga nasawi na sina Mark Emilio D Claudio, 2, Caster Jas D Claudio 5 taon , Cristal D Gomez (22) habang nanatiling nasa kritikal na kondisyon si Adela Jimenez 47, Anagay Mandapat 26 anyos kapwa mga residente ng Sta. Ines East sa nabangit na bayan.

Ligtas naman ang driver nito na si Joselito Canlas 52 anyos driver ng Brgy, San Nicolas Tarlac City.

Kinilala naman ang mga sakay ng isang tricycle ng Kolong-kolong na si Nikko Contapay driver, at sina Lorena Daguio, Recalyn Manuel kapwa ng Brgy,Santiago sa bayan ng Gerona.

Arestado naman ang suspek na si Michael James Munos Aquino nasa hustong gulang, driver ng pick -up na may plakang AAC-1486 ng Brgy Burot Tarlac City.

Sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad magkasunod diuman ang Kolong-kolong at ang pick-up na patungo sa bahagi ng Camiling habang nasa kabilang linya ang tricycle na puno ng pasahero.

Nabatid na kinabig umano ng driver ng Kolong-kolong sa linya ng tricycle dahil sa pangyayari una nang nagkarambola ang dalawa na nagdulot ng malakas na impact na bumangga sa pick-up na dumaan sa outer lane na naging sanhi ng matinding aksidente.

Samantala nasa kostudiya na ng PNP ang mga driver ng tatlong sasakyan na sangkot sa malagim na aksidente. (Thony D Arcenal/AI/MTVN)

Leave a Reply