MANILA – Namataan ang isang Low Pressure Area (LPA) 220 kilometro silangan ng Kalayaan Islands kaninang alas-tres ng madaling araw, ayon sa PAGASA.
Samantala, makakaapekto naman ang tail-end ng frontal system sa silangang bahagi ng Northern at Central Luzon.
Bunsod nito, ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora at Quezon Province ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa tail-end of frontal system.
Maulap naman na may kasamang pag-ulan at thunderstorm ang iiral sa Palawan dahil sa LPA habang ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan at thunderstorms dahil sa localized thunderstorms.
Nagbabala ang PAGASA sa posibleng flash floods o landslides na maaaring idulot ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa iba’t ibang parte ng bansa.
Sumikat ang araw kaninang alas-6:25 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:50 ng hapon. (AI/FC/MTVN)