Mendiola Massacre ginunita sa pamamagitan ng martsa-demonstrasyon

Mendiola Massacre ginunita sa pamamagitan ng martsa-demonstrasyon

Text and Photos By Mores Heramis

MANILA — Bitbit ang tila karet na placard, litrato at mga banner nag-martsa mula Espana patungong Mendiola umaga ng Biyernes ang daan-daang miyembro ng mga militanteng grupong kinabibilangan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, PAMALAKAYA, at Kilusang Mayo Uno upang gunitain ang ika-34th na taon ng madugong Mendiola Massacre na nangyari noong Enero 22,1987 kung saan labing tatlong (13) magsasaka ang nasawi.

Sigaw nila ang hustisya para sa mga magsasaka na naging biktima noon ng pagpatay na mas lalo umanong lumala ngayon.

Ang yumaong Corazon Aquino ang siyang presidente noon nang mangyari ang malagim na insidente.

Ipinagsigawan din nila ang hustisya sa pagpaslang sa may siyam (9) na magsasakang Tumandok noong Disyembre 30,2020.

Reporma sa lupa ang anila’y dapat maibigay sa mga magbubukid na syang nagtatanim upang may maihain na pagkain ang mga Pilipino.

Agad namang hinarang ng mga kawani ng Manila Police District sa paanan ng Mediola Bridge ang mga nagpo-protesta na agad din namang kusang nag-disperse matapos ang kanilang programa. (AI/MTVN)

Leave a Reply