Si DPWH Sec. Mark Villar kasama ang Presidente ng NLEX Corporation at General Manager na si Luigi Bautista habang nag-iinspeksyon sa proyekto ng pagbuo ng unang 5 kilometro na seksyon ng NLEX Connector mula sa Caloocan Interchange, C3 hanggang Espana, Maynila. Hangarin ng mga opisyales na makumpleto ang proyekto sa pagtatapos ng taon. Ang inspeksyon ay isinagawa sa kahabaan ng 4th Ave sa Caloocan City. Nasaksihan din nila ang paglulunsad ng Super T Girders — ito ang mga makabago, na box girder na malawakang ginagamit para sa mga tulay sa Australia at New Zealand ngunit medyo bago sa philippine construction industry. (ART SON/AI/MTVN)
