MANILA – Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais ng aktres na si Faye Lorenzo na makatambal ang dalawang artista na kabilang rin sa “Kapuso” network GMA-7.
“Gusto ko rin maging leading man si Alden Richards kung bibigyan ng pagkakataon. Why not, di ba?” wika ni Faye nang tanungin kung sino ang nais niyang maging leading man.
Binanggit din ni Lorenzo na nais niyang makatrabaho si Derrick Monasterio, ngunit niLinaw niya na handa siyang makatambal ang kahit sinong aktor na ipapares sa kanya ng network.
“Kahit sino yung itatambal, okay naman. Trabaho eh, tatanggapin na lang natin. Hindi naman [ako] namimili,” wika ng sexy actress na kabilang sa patok na gag show “Bubble Gang.”
Dahil malapit na ang Valentine’s Day, natanong ang aktres kung may plano na siya sa nasabing araw.
“Plano ko talaga ngayon is mag-work. Parang love life, hindi na muna,” wika ni Faye.
Kasama sa kasalukuyan si Faye sa “Bubble Gang” at ng bagong GMA show “The Lost Recipe.”
Kahit ginagampanan ang isang chef na papel sa nabanggit ng show, sinabi ni Faye na hindi siya talaga nasanay sa tunay na buhay sa pagluluto dahil ang kanyang lola ang parating nagluluto sa kanyan. (AI/FC/MTVN)