MANILA – Tinukoy na ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga siyudad kung saan magsasagawa ng clinical trials para sa COVID-19 vaccines na gawa ng Jansen, Clover, at Sinovac.
Sa isang virtual briefing, sinabi ni DOST Undersecretary for Research and Development Rowena Guevara na wala pang eksaktong petsa kung kailan magsisimula ang clinical trials.
“But they intend to start the soonest when the process of determining and preparing their trial sites are completed,” ani Guevara.
Ayon kay Guevara, ang clinical trial para sa Jansen ay gagawin sa San Pablo at Cabuyao, sa Laguna, Makati City, La Paz sa Iloilo; Bacolod City; at Metro Manila.
Para sa Clover, sa Quezon City, Makati City, Manila City, Taguig City, Las Piñas City, Muntinlupa City; Calamba, Laguna; at Dasmariñas, Cavite gagawin ang trial habang ang Sinovac naman ay sa Quezon City, Marikina City, Pasay City, at Alaminos, Laguna.
“Kada clinical trial iba-iba ang number of volunteers na kailangan nila,” ani Guevara. (AI/FC/MTVN)