Taytay nakahanda na ang cold storage facility para sa COVID-19 vaccine

Taytay nakahanda na ang cold storage facility para sa COVID-19 vaccine

Ni Rambo Labay

MANILA — Personal na binisita at ininspeksyon nina Taytay Rizal Mayor Joric Gacula, Vice Mayor Mitch Bermundo, Konsehala Jeca Villanueva, Konsehal Gene Resurreccion at Municipal Health Office OIC Dr. Jeffrey Roxas ang cold storage ng Royale Cold Storage Inc. sa Barangay San Isidro Taytay, Rizal kung saan ilalagak ang bibilhing Covid-19 vaccine ng bayan.

Ayon kay Mayor Gacula ang Cold Storage na nakalaan para sa COVID-19 Vaccine ay may 990 pallet capacity o katumbas ng 28 million doses ng maximum capacity ng nasabing facility.

Ipinaliwanag pa ng alkalde na ang bayan ng Taytay Rizal ay handa na para sa paglalagyan ng bakuna Laban sa COVID-19.

Nagsagawa na rin sila ng mga pagsasanay sa pagbabakuna sa mga pasyenteng tuturukan ng naturang bakuna na panlaban sa Covid-19. (AI/MTVN)

Leave a Reply