1,797 bagong kaso ng COVID-19 nadagdag, 166 naman ang gumaling ngayong araw

1,797 bagong kaso ng COVID-19 nadagdag, 166 naman ang gumaling ngayong araw

Ni Fitzgerald Cecilio

MANILA — May nadagdag na 1,797 bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, batay sa tala ng Department of Health (DOH).

Dahil sa mga bagong kaso, pumalo na ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa sa 511,679.

Umakyat naman ang death toll sa 10,190 kasunod ng pagpanaw ng 54 katao dahil sa virus.

Nasa 166 naman ang gumaling na nag-akyat sa bilang ng recoveries sa 467,886. Nasa 33,603 naman ang bilang ng aktibong kaso.

Sa buong mundo, nasa 98,764,787 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, nasa 70,964,463 na ang gumaling habang 2,116,714 naman ang pumanaw.

Mayroon pang 25,683,638 aktibong kaso sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kung saan 25,572,410 o 99.6 porsiyento ang nasa mild condition habang 111,200 o 0.4 porsiyento ang grabe ang kalagayan.

Estados Unidos pa rin ang may pinakamaraming kaso (25,390,042), kasunod ang India (10,640,544), Brazil (8,755,133), Russia (3,677,352), United Kingdom (3,583,907), France (3,011,257), Spain (2,603,472), Italy (2,441,854), Turkey (2,418,472), at Germany (2,125,261). (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply