Maulap, kalat-kalat na pag-ulan iiral sa Cagayan Valley, CAR, Ilocos

Maulap, kalat-kalat na pag-ulan iiral sa Cagayan Valley, CAR, Ilocos

MANILA – Makakaapekto ang buntot ng frontal system sa silangang bahagi ng Northern Luzon ngayong araw, Sabado, 23 Enero 2021, ayon sa ulat ng PAGASA.

Makararanas ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Ilocos Region ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa buntot ng frontal system.

Nagbabala ang PAGASA na posibleng makaranas ng flash floods o landslides ang mga nasabing lugar dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan at thunderstorm ang mararanasan sa Metro Manila at natitira pang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

Ayon sa PAGASA, nakaamba ang banta ng flash floods o landslides dahil sa matinding thunderstorms.

Kaninang alas-3 ng madaling araw, namataan ang Low Pressure Area (LPA) 185 kilometro timog hilagang kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:25 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:51 ng hapon. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply