Navotas clearing operations tuloy-tuloy

Navotas clearing operations tuloy-tuloy

Tuloy-tuloy ang isinasagawang road clearing operations sa lungsod ng Navotas at kasalukuyan ay nasa ika-4 na araw na ng Task Force NavoROAD sa Brgy. San Rafael Village. Kabilang dito ang City Engineering Office, CENRO, Task Force Disiplina, PNP Navotas at Liga ng mga Barangay. Ang programa ay kaugnay ng pagsunod ng lungsod sa DILG Memorandum Circular No. 2020-145 na nag-aatas sa lahat ng local government units na isagawa muli ang road clearing operations. (AJ RABULAN/AI/MTVN)

Leave a Reply