DOH kinumpirma ang local transmission ng UK COVID-19 sa Bontoc

DOH kinumpirma ang local transmission ng UK COVID-19 sa Bontoc

MANILA – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may local transmission ng UK strain ng COVID-19 o mas kilala bilang coronavirus variant B.1.1.7 sa Bontoc, Mountain Province.

Ang B.1.1.7 variant ay ang bagong uri ng COVID-19 virus na unang natuklasan sa United Kingdom na sinasabing mas nakahahawa.

“The Department of Health confirms local transmission in Bontoc of the B.1.1.7 variant of SARS-CoV-2 as identified through genomic sequencing,” wika ng DOH sa advisory nito.

“To date, all identified cases with the UK variant can be epidemiologically linked to cases coming directly from outside the country (importation) or from specific cases or exposures that can still be identified (local transmission),” dagdag pa ng ahensiya.

Ngunit sinabi ng DOH na walang malinaw na ebidensiya ng community transmission ng B.1.1.7 batay sa panuntunang itinakda ng World Health Organization:

Una nang sinabi ng DOH na may 17 bagong kaso ng UK COVID-19 variant sa bansa, 12 dito ay nakita sa Bontoc. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply