Maulap, maulan ngayong araw sa Northern at Central Luzon

Maulap, maulan ngayong araw sa Northern at Central Luzon

Ni Fitzgerald Cecilio

MANILA – Makakaapekto ang buntot ng frontal system sa silangang bahagi ng Northern at Central Luzon habang mararamdaman naman ang epekto ng Northeast Monsoon sa natitirang parte ng Northern at Central Luzon, ayon sa PAGASA.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang iiral sa Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, at Quezon dahil sa buntot ng frontal system.

Posible ring magkaroon ng flash floods o landslides dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan.

Maulap na kalangitan na may pag-ulan rin ang mararanasan sa Apayao, Kalinga, at natitirang bahagi ng Cagayan Valley.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pag-ulan ang iiral sa Ilocos Region at natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region at Central Luzon dahil sa Northeast Monsoon.

Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pag-ulan ang mararanasan dahil sa localized thunderstorms na posibleng magdala ng flash floods o landslides dahil sa malakas na ulan.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:25 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:52 ng hapon. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply