Mahigit P10B halaga ng smuggled goods nasabat ng Customs noong 2020

Mahigit P10B halaga ng smuggled goods nasabat ng Customs noong 2020

MANILA – Nakasabat ang Bureau of Customs ng P10.629 bilyong halaga ng puslit na produkto noong nakaraang taon.

Lulan ang mga ito ng 997 ilegal na shipment na nakumpiska ng tanggapan mula Enero hanggang Disyembre 2020.

Sa tala ng BOC, 204 shipment ay naglalaman ng P5.7 bilyong halaga ng puslit na sigarilyo at tobacco products.

Nasa P1.85 bilyon naman na halaga ng droga at P1.05 bilyong halaga ng pekeng produkto ang nakumpiska ng ahensiya.

May P32.58 milyong halaga ng foreign currencies at P196.5 milyong halaga ng personal protective equipment, medical supplies at cosmetics products din ang nasabat nakaraang taon.

Nakapaghain din ang BOC ng 126 kaso laban sa mga nasa likod ng illegal shipments. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply