PhilHealth: 92 porsiyento ng ‘ninakaw’ na P15-bilyong pondo na-liquidate na

PhilHealth: 92 porsiyento ng ‘ninakaw’ na P15-bilyong pondo na-liquidate na

MANILA – Inihayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na na-liquidate na ang karamihan sa P15 bilyon na sinasabing ninakaw umano ng ilang opisyal noong nakaraang taon.

Nagbitiw si dating PhilHealth president at CEO Ricardo Morales noong 2020 matapos siyang akusahan kasama ang iba pang opisyal ng pagbulsa ng P15 bilyon sa pamamagitan ng pag-apruba ng overpriced na proyekto at paglabas ng pondo sa pinapaboran nilang hospital.

“Sa totoo lang po, hindi nawawala, and’yan lang, on record po,” wika ni Dante Gierran, na siyang pumalit kay Morales.

“Sa ngayon po, 92 percent na ang liquidated. Kaunti na lang po. I will not allow iyong pera ng Pilipino mawala,” dagdag pa niya.

Ang hinahanap na walong porsiyento ay nagkakahalaga pa ng P120 bilyon.

Sinabi rin ni Gierran na 13 tauhan ng PhilHealth ang nasuspinde dahil sa nasabing anomalya. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply