GDP ng Pilipinas noong 2020 bumagsak sa -9.5%, pinakamababa sa kasaysayan

GDP ng Pilipinas noong 2020 bumagsak sa -9.5%, pinakamababa sa kasaysayan

MANILA – Nagpatuloy ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa sa huling tatlong buwan ng 2020 sa gitna ng pamdemya, na nagresulta sa pinakamababang gross domestic product (GDP) sa kasaysayan ng bansa batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Iniulat ng PSA ngayong araw na ang fourth-quarter GDP ng bansa ay nasa -8.3 porsiyento. Ito’y kasunod ng -11.4 porsiyento sa ikatlong bahagi ng 2020 at kabaliktaran ng 6.7 porsiyentong paglago na naitala sa ikaapat na bahagi ng 2019.

Dahil dito, bumagsak ang 2020 GDP ng bansa sa -9.5 porsiyento, ang kauna-unahang contraction na naitala sa buong taon mula 1998 nang nag-contract ang ekonomiya ng 0.5 porsiyento dahil sa Asian financial crisis.

Ito ang pinakamasamang performance ng ekonomiya batay sa data ng PSA mula noong 1947, kasunod ng 7 porsiyentong pagsadsad ng GDP noong 1984.

Hindi na ito nakagugulat dahil sa taya ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), noong Disyembre, babagsak ang GDP sa -8.5 porsiyento hanggang -9.5 porsiyento para sa buong taon dahil sa pandemya.(AI/FC/MTVN)

Leave a Reply