Lungsod ng Maynila nagsagawa ng ikalawang COVID-19 mass vaccination simulation exercise

Lungsod ng Maynila nagsagawa ng ikalawang COVID-19 mass vaccination simulation exercise

Isinagawa ngayong araw ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang ikalawang COVID-19 mass vaccination simulation exercise sa Isabelo Delos Reyes Elementary School sa Tondo, Maynila, sa pangunguna ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Sa simulation exercise na ito, 1,000 residente mula sa limang barangay ang sumali sa “vaccination process” na isinagawa ng medical personnel ng Manila Health Department at barangay healthcare workers.

Sinabi ni Moreno na ang simulation exercise na ito ang pinakamalapit sa katotohanan upang makita ang kahandaan ng mga medical frontliner ng lungsod sa isasagawang vaccination program.

Ayon pa sa Alkalde, plano ng lokal na pamahalaan na maglagay ng 18 vaccination site s sa buong lungsod para sa isasagawang pagbabakuna. (FC/MTVN)

MORES HERAMIS

Leave a Reply