Kahit nasa pribadong sasakyan, magkasama sa bahay dapat magsuot ng face mask — LTO

Kahit nasa pribadong sasakyan, magkasama sa bahay dapat magsuot ng face mask — LTO

MANILA – Dapat pa ring magsuot ng face mask ang mga byahero sa isang sasakyan kahit sa iisang bahay lang sila nakatira.

Ito’y ayon sa bagong kautusan ng Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay LTO director Clarence Guinto, maaring magmulta ang pribadong sasakyan na lumabag dito ng P2,000 dahil sa reckless driving, habang P5,000 naman sa pampublikong sasakyan.

“Kung galing kayo sa isang bahay, di rin nasasabi sa regulation, dapat mag-face mask pa rin. It does not distinguish kung magkasama kayo sa bahay or hindi as long as you are 2 or more,” wika ni Guinto.

Titingnan din ng LTO ang posibleng epekto sa senior citizens ng pagsusuot ng face mask sa isang saradong sasakyan.

“We can always review this. We’ll look into this. May exemption naman pag mga emergency,” ani Guinto.

Dagdag pa ni Guinto, maaaring kuwestiyunin ng motorista ang violation sa kanilang tanggapan,

“Di natin pinapayagan ang maling enforcement. We encourage the public kung may situation na you feel aggrieved, mali ang enforcement, you can always contest the citation within 5 days,” sabi ni Guinto. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply