Navotas ice plant maaaring pagmultahin ng P100k dahil sa ammonia leak

Navotas ice plant maaaring pagmultahin ng P100k dahil sa ammonia leak

MANILA – Maaaring magmulta ang isang ice plant sa Navotas City ng P100,000 kasunod ng nangyaring ammonia leak kung saan dalawa katao ang namatay at 90 iba pa ang naapektuhan, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

“Kung sakaling lumabas na may paglabag sa standard natin sa occupational safety and health standard, nag-i-impose po ang DOLE ng administrative fine for noncompliance to standard that will result to grave injury or death,” wika ni engineer Noel Binag, executive director ng Occupational Safety and Health Center ng DOLE.

Dalawang empleyado ng TP Marcelo Ice Plant, na pag-aari ng pamilya ni Navotas City Mayor Toby Tiangco, ang namatay dahil sa pagsingaw ng ammonia mula sa sumabog na tangke.

Dahil sa insidente, nagpaalala si Binag sa mga katulad na kompanya na sumunod sa mga polisiya ng DOLE ukol sa kaligtasan ng kanilang mga manggagawa.

“Meron po silang interventions or controls in place in case of emergency, ‘certified first-aider,’ occupational health facilities and medicines,” ani Binag.

Ayon pa kay Binag, dapat bigyan ng kompensasyon ng may-ari ng planta ang mga manggagawa na naapektuhan sa insidente.

Maaari rin silang humingi ng financial assistance sa Employees’ Compensation Commission.(FC/MTVN/AI)

Leave a Reply