Navotas city nagsagawa ng vaccination dry run

Navotas city nagsagawa ng vaccination dry run

NAGSAGAWA ng vaccination simulation para sa coronavirus-2019 (COVID-19) ang pamahalaang lungsod ng Navotas ngayong Sabado na ginanap sa Navotas Polytechnic College (NPC).

Ang simulation ay alinsunod sa pagsasagawa ng pagsasanay sa health frontliners upang hindi mabigla sa kanilang gagampanang trabaho sa oras na dumating na ang mga bakuna.

Ang unang batch ng bakuna ay inaasahang dumating ngayong buwan ng Pebrero kung kaya’t siniguro ng lungsod na nasa maayos at handa na ang lahat para sa vaccine rollout. (AJ RABULAN/AI/MTVN)

Leave a Reply