COVID-19 update: 1,790 bagong kaso, 11,388 recoveries

COVID-19 update: 1,790 bagong kaso, 11,388 recoveries

MANILA — Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ito ng 1,790 bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito, umakyat na sa 537,310 ang kabuuang bilang ng kaso sa bansa, 26,333 dito ay aktibong kaso

Nakapagtala rin ang DOH ng 11,388 gumaling, para sa kabuuang bilang na 499,798 recoveries. Mayroon ding 70 katao na namatay, na nag-akyat sa death toll sa 11,179.

Una nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na kayang magbakuna ng pamahalaan ng 50 hanggang 70 milyong Pilipino kapag dumating sa oras ang supply ng bakuna kontra COVID-19.

“Sa best case scenario po, kung meron po tayong enough supply at naging successful ang negotiation natin, by December, kaya po natin 50 to 70 million,” wika ni Galvez.

“Kung magkakaroon po tayo ng shortage ng supply, worst case scenario po natin, middle of 2022 po,” dugtong pa niya.

Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 70 milyon hanggang 80 milyong Pilipino para maabot ang herd immunity.

Kaso buong mundo

Sa buong mundo, nasa 106,359,614 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19, kung saan 78,001,508 ang gumaling habang 2,320,862 naman ang pumanaw.

Sa ngayon, mayroong 25,891,921 aktibong kaso kung saan 25,932,958 o 99.6 porsiyento ang nasa mild condition habang 104,286 o 0.4 porsiyento ang malala o kritikal.

Una pa rin ang Estados Unidos sa paramihan ng kaso na may 27,519,636, kasunod ang India (10,827,314), Brazil (9,497,795), Russia (3,951,233), UK (3,929,835), France (3,317,333), Spain (2,971,914), Italy (2,625,098), Turkey (2,524,786), at Germany (2,284,999). (FC/MTVN/AI)

Leave a Reply