LPA namataan sa silangan ng GenSan

LPA namataan sa silangan ng GenSan

MANILA — Isang low pressure area (LPA) ang namataan kaninang alas-3 ng madaling araw na nasa 1,010 kilometro sa silangan ng General Santos City, South Cotabato, ayon sa PAGASA.

Dahil sa LPA, maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan at thunderstorm ang mararanasan sa Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region, kung saan posibleng magkaroon ng flash floods o landslides dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Sinabi rin ng PAGASA na makakaapekto ang northeast monsoon o amihan sa Northern Luzon, kung saan magiging maulap na may kasaman pag-ulan sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na may kasamang pag-ulan ang mararasan sa Ilocos Region dahil din sa amihan.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na may kasamang pag-ulan ang mararasan dahil sa localized thunderstorms, kung saan posibleng magkaroon ng flash floods o landslides dahil sa thunderstorms.

Sisikat ang araw bandan alas-6:23 ng umaga at lulubog dakong alas-5:58 ng hapon. (FC/MTVN/AI)

Leave a Reply