COVID-19 tally: 1,235 bagong kaso, 53 recoveries

COVID-19 tally: 1,235 bagong kaso, 53 recoveries

MANILA – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,235 dagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.

Kaya umakyat na sa 540,227 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng naturang sakit.

Sa nasabing numero, 29,167 ang aktibong kaso.

May nadagdag na 53 katao sa listahan ng gumaling, na ngayo’y nasa 499,764. May 65 naman na pumanaw sa sakit, na nagdala sa death toll sa 11,296.

Kaninang umaga, isinagawa ang simulation exercise bilang paghahanda sa pagdating ng COVID-19 vaccines ngayong buwan.

Naglaan ang pamahalaan ng 120 minuto sa bahagi ng drill kung saan kasama ang paglilipat ng “bakuna” mula sa airport patungong Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ngunit sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na natapos ang proseso sa loob lang ng 50 minuto. Giit ni Galvez, walang dapat puwang sa pagkakamali sa pagbiyahe ng mga bakuna, lalo na sa Pfizer-BioNTech vaccine na masyadong sensitive sa temperatura.

Sa buong mundo, umabot na sa 107,020,631 ang bilang ng COVID-19, kung saan 78,891,069 na ang nakarekober habang 2,336,761 naman ang pumanaw.

Sa 25,645,853 aktibong kaso, 25,689,804 o 99.6 porsiyento ang nasa mild condition habang 102,997 o 0.4 porsiyento ang kritikal o malala.

Una pa rin ang Estados Unidos na may 27,700,629 kaso kasunod ang India (10,847,790), Brazil (9,550,301), Russia (3,983,197), UK (3,959,784), France (3,341,365), Spain (2,989,085), Italy (2,644,707), Turkey (2,539,559) at Germany (2,296,326). (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply