Frontal system makakaapekto sa Southern Luzon at Visayas

Frontal system makakaapekto sa Southern Luzon at Visayas

MANILA — Makakaapekto ang buntot ng frontal system sa silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas habang iiral naman ang northeast monsoon o amihan sa natitirang parte ng Luzon ngayong araw, ayon sa PAGASA.

Maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan ang mararanasan sa Visayas, Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao dahil sa buntot ng frontal system.

Dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan, nagbabala ang PAGASA sa posibleng flash floods o landslides.

Sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Bicol Region, Aurora, at Quezon, maulap ang kalangitan na may kasamang mahinang pag-ulan dahil sa amihan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pag-ulan din ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa amihan.

Bunsod naman ng localized thunderstorms, magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pag-ulan ang nalalabing parte ng bansa.

Sisikat ang araw dakong alas-6:20 ng umaga at lulubog ng alas-6 ng gabi. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply