OFW na nabakunahan sa UAE nagpositibo sa COVID-19 pagdating ng Pilipinas

OFW na nabakunahan sa UAE nagpositibo sa COVID-19 pagdating ng Pilipinas

MANILA — Isang overseas Filipino worker (OFW) mula United Arab Emirates ang nagpositibo sa COVID-19 kahit nabakunahan na ito kontra sa virus, ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH-7 spokesperson Mary Jean Loreche, bumalik ang OFW sa bansa noong Enero 5 matapos makatanggap ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine na Sinopharm noong Disyembre 12, 2020 at Enero 2 ngayong taon.

Nagpositibo ang OFW sa COVID-19 matapos sumailalim sa standard quarantine at testing procedures para sa returning overseas Filipinos (ROFs).

“Alam naman po natin ang isang tao kahit nabigyan na ng bakuna, hindi naman po ito garantiya na ikaw ay magkakaroon na ng immunity,” paliwanag ni Loreche.

“Ang epekto ng bakuna ay to prevent a severe disease. Kung ikaw ay nabakunahan at magkakaroon ka man ng COVID, hindi po ikaw magiging grabe. Hindi ka ipapasok sa intensive care unit,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Loreche na walang sintomas ang ROF mula nang bumalik siya sa bansa hanggang sa kasalukuyan. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply