Heart Evangelista nakaranas din ng hirap sa buhay

Heart Evangelista nakaranas din ng hirap sa buhay

MANILA – Dahil galing sa mayamang pamilya, marami ang nag-aakala na hindi nakaranas ng hirap ang aktres na si Heart Evangelista.

Subalit itinanggi ito ni Heart at nagsabing dumanas siya ng hirap nang umalis siya sa bahay ng kanyang mga magulang dahil sa di pagkakaunawaan.

Sa panahong iyon, agad tinanggap ni Heart ang teleseryeng “Hiram Na Mukha” ng ABS-CBN upang magkaroon siya ng sariling pera.

“I had to do this because I had no money at that time. It was super torture,” wika ni Heart.

“That was when I left my parents. It was my first time around so I had to start from scratch. Change lifestyle din ako,” dagdag pa niya.

May panahon pa noon na nahirapan siya sa inilalagay na prosthetics sa kanyang mukha at nais na niyang umayaw sa nasabing teleserye.

Naalala rin ni Heart na minsan ay umaasa pa siya sa kanyang assistant para makakain ng hapunan dahil trenta pesos lang ang laman ng kanyang bank account. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply