Alaska ‘nakabingwit’ ng 2 higante sa free-agent pool

Alaska ‘nakabingwit’ ng 2 higante sa free-agent pool

MANILA – Nakabingwit ang Alaska ng dalawang malalaking manlalaro mula sa free-agent pool na makatutulong sa kampanya ng Aces sa darating na Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup.

Napapirma ng Alaska sa kontrata sina big men Gab Banal at Yousef Taha na makatutulong sa kanilang frontcourt.

Ayon kay Alaska head coach Jeff Cariaso, noon pa tinatarget ng Aces ang 6-foot-8 na si Taha mula nang ilagay siya ng TNT Tropang Giga sa unrestricted free agent list pagkatapos ng 2019 season.

“Yousef Taha is a guy the coaching staff has been targeting for a while now. It’s awesome that now he’s officially with us,” wika ni Cariaso.

“We are equally excited to have him and Gab on board,” dagdag pa niya.

Kailangan ng Aces ng malalaking tao dahil sa pagkawala ng beteranong si Sonny Thoss at sa injury ni Kevin Racal. (FC/MTVN)

Leave a Reply