John Lloyd nagkaroon ng ‘bagong buhay’ mula nang maging ama

John Lloyd nagkaroon ng ‘bagong buhay’ mula nang maging ama

MANILA – Tinalakay ng aktor na si John Lloyd Cruz ang epekto sa kanyang buhay mula nang siya’y maging ama.

“Para kang nagkaroon ng bagong buhay,” wika ni John Lloyd ukol sa kanyang anak kay Ellen Adarna na si Elias.

“His dreams will be much bigger than mine… Kung ano ang gusto niya — maging tambay o astronaut — basta nandiyan lang ako to support him,” dagdag pa niya.

Kahit hiwalay na kay Ellen, patuloy pa rin ang magandang ugnayan ni John Lloyd sa aktres dahil kay Elias.

Wala pang napabalitang lovelife si John Lloyd mula nang mahiwalay kay Ellen noong 2019.

Si Ellen naman ay nauugnay sa aktor na si Derek Ramsay at ilang beses na silang nagkasama nitong mga huling araw, batay na rin sa kanilang post sa social media. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply