Rhian Ramos masaya sa pagpirma ng bagong kontrata sa GMA

Rhian Ramos masaya sa pagpirma ng bagong kontrata sa GMA

MANILA – Masaya ang aktres na si Rhian Ramos sa pagpirma niya ng bagong kontrata sa GMA Network.

“I am so happy and … I just feel lucky I get to live my dream and continue to live my dream with this station that supports me,” wika ni Rhian, na 15 taon nang talent ng Kapuso Network.

“This is where I feel most at home and most comfortable here,” dagdag pa niya.

Isa sa mga naging dahilan sa muling pagpirma ni Rhian ay ang pagiging loyal sa kanya ng network at sa bagong oportunidad na binibigay nito para mapaganda pa ang kanyang career.

Hiiling ni Rhian sa mga boss ng GMA Network na maliban sa acting projects, sana ay mabigyan siya ng maraming hosting projects.

“I am actually super looking forward to more hosting. It’s really fun to experience something with the audience,” wika ni Rhian, na nagsimula sa GMA-7 sa edad na 15 anyos. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply