450K OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 nakauwi na sa mga lalawigan

450K OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 nakauwi na sa mga lalawigan

MANILA — Halos 450,000 overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng hanapbuhay dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ang naiuwi na sa bansa, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Batay sa data mula sa DOLE, nasa kabuang 447,076 Pinoy workers mula sa ibang bansa ng nakabalik na sa kani-kanilang lalawigan mula noong Mayo 2020.

Nagsimulang i-repatriate ng pamahalaan ang OFWs na naapektuhan ng pandemya noong Mayo 2020.

Nangyari ang pinakamataas na bilang ng na-repatriate na Pilipino noong Hunyo 29 hanggang Hulyo 26, 2020 na umabot sa 41,233 na sinundan ng 33,924 mula Mayo15 hanggang Mayo 31, 2020 at 33,194 noong Hunyo 1 hanggang 28, 2020.

Mula Enero 25 hanggang 31 ngayong taon, umabot sa 9,953 ang OFWs ang nakabalik sa Pilipinas at nakabalik sa kani-kanilang mga pamilya.

Noong Enero 11 hanggang 17, nasa 9,376 naman ang napauwing OFWs. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply