6 arestado sa tupada

6 arestado sa tupada

MANILA — Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa PD 449 (Cockfighting Law of 1974 as amended by PD 1602 (Tupada0) ang anim na sabungero sa Daang Bakuran Barangay Calaylayan sa bayan ng Abucay, Bataan.

Sa report ni P/Maj.Leopoldo Estorque jr. Hepe ng Abucay PNP, kinilala ang mga nadakip na sina Rechie dacion y Tengonciang, 41,Randy Nalus y Serrano, 45; Richard Austria y Quiambao, 27; Edward Santos y Sanchez, 45; Gilbert Serrano y Oliveros, 38, at Angelito Formento 39 anyos construction worker.

Sila’y pawang mga residente sa bayan ng Abucay at Samal sa nabangit na lalawigan.

Sa ilalim ng pandemya mahigpit na ipinagbabawal ang ang sabong maliban pa sa ibang spectator sports gaya ng basketball.

Sa inisyal na imbestigasyon nina P/Lt.Allan R Salalila at P/Maj.Joey Sampaga, ganap na alas-2 apon ng Linggo nang maaktuhan ang illegal na sabong sa nabangit na barangay.

Habang nagkanya-kanyang takbo ang iba pang sabungero, nakuha sa lugar ang mga panabong na manok at tari, cash na higit P1,600 pesos.

Kasabay nito’y agad ininquest ang anim matapos ang isinagawang medical examination. (Thony D Arcenal/AI/MTVN)

Leave a Reply