76.5 porsiyento ng Pinoy nurses handang magpaturok ng bakuna vs COVID-19

76.5 porsiyento ng Pinoy nurses handang magpaturok ng bakuna vs COVID-19

MANILA – Tatlo sa apat na Pinoy nurses ang handang magpabakuna laban sa COVID-19, batay sa survey na isinagawa ng Filipino Nurses United (FNU).

Ayon sa isang linggong survey na ginawa ng grupo, 494 sa 646 nurse-respondents o 76.5 porsiyento ang nagpahayag ng kahandaang magpaturok ng COVID-19 vaccines.

Nasa 37 naman ang nagsabi na ayaw nilang magpabakuna sa takot sa side effects, pagkakaroon ng co-morbidities, at posibleng negatibong epekto sa breastfeeding.

Hindi pa makapagdesisyon ang 115 pang nurse dahil nais muna nilang malaman kung anong bakuna ang nasuri na o ligtas gamitin.

“The survey findings show that nurses are willing to be vaccinated if there is full guarantee for their safety so that they can still continue serving and caring for their patients/clients,” wika ng grupo sa isang pahayag.

Iginiit din ng grupo na dapat bigyan ng libre, ligtas at mabisang bakuna ang lahat ng nurse at iba pang health workers, maging sa pampuliko o pribadong sektor man. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply