Alaska, Manuel di pa rin pala nagkakaayos, ‘Muscle Man’ nasa trading block pa rin

Alaska, Manuel di pa rin pala nagkakaayos, ‘Muscle Man’ nasa trading block pa rin

MANILA – Taliwas sa unang napabalita, hindi pa rin pala nagkakasundo ang Alaska Aces at power forward na si Vic “Muscle Man” Manuel.

Ito ang sinabi ni Aces head coach Jeff Cariaso kaya tumatanggap pa rin ang Alaska ng kapalit para sa beteranong power forward.

“I would like to say that at this point, there’s still nothing definite regarding Vic,” wika ni Cariaso.

“I know there are reports that he’s coming back. To be honest with you, that’s not true,” dagdag pa niya.

Humingi ng trade si Manuel nang di magustuhan ang alok na two-year deal ng Aces dahil gusto niya ng tatlong taong kontrata.

Kamakailan lang, napaulat na pipirma na si Manuel ng dalawang taong kontrata sa Aces matapos makipag-usap sa management.

Ngunit nilinaw ni Cariaso na malayo pa sila sa anumang kontrata at tumatanggap pa rin sila ng alok para sa beterano.

“Right now, we’re respecting his wishes, we’re trying to see if there’s still remaining offers out there,” wika ni Cariaso.

Nag-average si Manuel ng 15.6 points, 6.1 rebounds, at 2.2 assists kada laro noong PBA Philippine Cup. (FC/MTVN)

Leave a Reply