‘Auring’ hihina pa bago tumama sa kalupaan; Signal No. 1 sa ilang lugar

‘Auring’ hihina pa bago tumama sa kalupaan; Signal No. 1 sa ilang lugar

MANILA – Posibleng humina pa ang Tropical Depression “Auring” bago ang inaasahan nitong landfall sa Dinagat Islands-Eastern Samar-Leyte area sa susunod na anim hanggang 12 oras ngayong araw.

Ayon pa sa PAGASA, lalo pang hihina si “Auring” kapag tumama na sa kalupaan. Una nang humina si “Auring” mula tropical storm patungong tropical depression.

Ngayong alas-3 ng madaling araw, namataan ang sentro ni “Auring’ sa layong 135 kilometro silangan hilagang-silangan ng Surigao City, Surigao del Norte o 195 kilometro silangan ng Maasin City, Southern Leyte.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 km/h malapit sa gitna at bugso na aabot sa 55 km/h. Kumikilos ito patungong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Nakataas ang Signal No. 1 sa Sorsogon, Masbate kabilang ang Ticao and Burias Islands, Albay, Catanduanes, at silangang bahagi Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Sagnay, Buhi, Iriga City, Nabua, Bato, Balatan)

Sa Visayas, Signal No. 1 din sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Bohol, Cebu, Siquijor, hilaga at silangang bahagi ng Negros Oriental (Dumaguete City, Sibulan, San Jose, Amlan, Pamplona, Tanjay City, Bais City, Manjuyod, Bindoy, Ayungon, Tayasan, Jimalalud, La Libertad, Guihulngan City, Canlaon City, Vallehermoso), hilaga at gitnang bahagi Negros Occidental (Binalbagan, Isabela, Moises Padilla, La Castellana, La Carlota City, Bago City, Pontevedra, Hinigaran, San Enrique, Valladolid, Pulupandan, Murcia, San Carlos City, Bacolod City, Salvador Benedicto, Calatrava, Talisay City, Silay City, Enrique B. Magalona, Victorias City, Manapla, Cadiz City, Sagay City, Escalante City, Toboso), silangang bahagi ng Iloilo (Dumangas, Barotac Nuevo, Anilao, San Rafael, Barotac Viejo, Banate, Passi City, San Enrique, Dingle, Lemery, Ajuy, Sara, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, Carles), at silangang bahagi ng Capiz (Cuartero, Dumarao, Ma-Ayon, Pontevedra, Panay, President Roxas, Panitan, Dao, Pilar).

Sa Mindanao, Signal No. 1 sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, hilagang bahagi ng Surigao del Sur (Lianga, Barobo, San Agustin, Marihatag, Cagwait, Bayabas, Tago, San Miguel, Tandag City, Cortes, Lanuza, Carmen, Madrid, Cantilan, Carrascal), Agusan del Norte, hilagang bahagi ng Agusan del Sur (Bayugan City, Prosperidad, Sibagat), silangang bahagi ng Misamis Oriental (Gingoog City, Magsaysay, Medina, Talisayan, Claveria, Balingasag, Lagonglong, Balingoan, Kinoguitan, Sugbongcogon, Binuangan, Salay), at Camiguin.

Dahil sa bagyo, maulan na may kasamang malakas na bugso ng hangin ang iiral sa Eastern Visayas at Bicol Region habang maulap na papawirin na may pag-ulan at thunderstorm ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Visayas, Northern Mindanao, Caraga at Zamboanga Peninsula.

Maulap na panahon na may kasamang pag-ulan ang iiral sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, MIMAROPA at Aurora dahil sa amihan.

Ang natitirang bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pag-ulan bunsod ng amihan.

Samantala, ang natitirang bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pag-ulan at thunderstorms dahil sa localized thunderstorms.

Sumikat ang araw dakong alas-6:17 kaninang umaga at lulubog ito ng alas-6:03 ng gabi. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply