COVID-19 update: 2,288 bagong kaso, 33 recoveries ngayong araw

COVID-19 update: 2,288 bagong kaso, 33 recoveries ngayong araw

MANILA — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,288 bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, na siyang pinakamataas na bilang ng kaso sa isang araw mula noong Nobyembre 8 ng nakaraang taon.

Dahil dito, umakyat na ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa sa 563,456; 28,488 dito ay pawang aktibo pa.

Iniulat din ng DOH na may 33 gumaling sa virus, na nag-akyat sa bilang ng recoveries sa 522,874.

Umakyat naman ang death toll sa 12,094 matapos na pumanaw ang anim katao dahil sa sakit.

Bago rito, binigyan na ng Food and Drug Administration ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Sinovac, ang COVID-19 vaccine na gawa ng China.

Ayon kay FDA director general Eric Domingo, may average efficacy ang Sinovac na 65.3 percent hanggang 91.2 percent at lower efficacy na 50.4 percent sa mga health workers na nabigyan nito sa Brazil.

Dahil sa mababang efficacy rate ng Sinovac, sinabi ni Domingo na hindi ito nirerekomendang gamitin sa health workers.

Kaso sa mundo

Samantala, umabot na sa 111,973,201 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo, 87,338,274 dito ay gumaling na habang 2,478,409 naman ang pumanaw.

Sa 22,152,193 aktibong kaso, 22,062,613 o 99.6 porsiyento ang nasa mild condition habang 93,905 o 0.4 porsiyento ang kritikal.

Una pa rin ang Estados Unidos sa bilang ng kaso na may 28,765,423 na sinusundan ng India (11,005,850), Brazil (10,168,174), Russia (4,164,726), UK (4,115,509), France (3,605,181), Spain (3,133,122), Italy (2,809,246), Turkey (2,638,422) at Germany (2,394,515). (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply