Cybercrime division ng NBI kinasuhan ni Francis Leo Marcos sa Ombudsman

Cybercrime division ng NBI kinasuhan ni Francis Leo Marcos sa Ombudsman

Ipinapakita ni Atty. Jonie Caroche-Vestido, legal counsel ni Francis Leo Marcos, sa media ang birth certificate ng kanyang kliyente nang maghain sila sa Ombudsman ng kaso laban sa ilang mga opisyal ng CyberCrime Division ng NBI kahapon ng umaga sa Benitez St., Horseshoe Village, Quezon City. Sumikat online si Marcos sa “Mayamang Challenge” kung saan hinikayat niya ang mga kapitbahay sa isang subdivision ng mayayaman sa Quezon City na magbigay ng tulong sa mahihirap sa gitna ng COVID-19 pandemic. Kasunod nito ay inimbestigahan siya ng NBI ngunit ayon kay Marcos pinag-iinitan siya dahil sa kaniyang “Mayaman Challenge.” Mayroong 1 million sumusubaybay sa YouTube page ni Marcos. (Kuha ni Peter M. Lacang/AI/MTVN)

Leave a Reply