DOH isusumite sa WHO ang data ng 2 COVID-19 virus mutations sa Cebu

DOH isusumite sa WHO ang data ng 2 COVID-19 virus mutations sa Cebu

MANILA – Isusumite ng Department of Health (DOH) sa World Health Organization (WHO) ang data ng dalawang mutation ng COVID-19 sa bansa para sa mas masusi pang pag-aaralan, ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Maliban sa WHO, sinabi ni Vergeire na bibigyan din nila ng data ukol sa COVID-19 mutations na E484K at N501Y ang Global Initiative on Sharing Avian Influenza Data (GSAID).

“Ang gagawin po natin, isusumite po natin sa GSAID, which is an international system, ito pong ating mga detection, and also to WHO, so that they can better classify what type of variant are these,” ani Vergeire.

“That’s why we want to make sure, that’s why we are asking the help of WHO by submitting to them so that they can also tell us if these are really the mutation that will cause harm to our public,” dagdag pa niya,

Bago rito, inanusiyo ng DOH Region 7 na nakita ng Philippine Genome Center (PGC) ang dalawang coronavirus “mutations of concern” sa samples mula Cebu.

Ayon kay DOH 7 spokesperson Dr. Mary Jean Loreche, 37 sa 50 samples na sinuri ng PGC ay nagpakita ng mutations na E484K at N501Y sa SARS-CoV-2, ang virus na pinagmumulan ng COVID-19. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply