Face-to-face classes voluntary lang kapag naaprubahan, giit ng DepEd

Face-to-face classes voluntary lang kapag naaprubahan, giit ng DepEd

MANILA – Iginiit ng Department of Education (DepEd) na boluntaryo lang ang face-to-face classes kapag naaprubahan na ang pagsasagawa nito.

Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, ang pilot ng face-to-face classes ay gagawin sa low-risk areas at mangagailangan ng kasunduan sa pagitan ng paaralan, magulang ng mga estudyante, at patuntunan na itinakda ng local government unit (LGU).

“Kung ang pakiramdam niya ay ano pa, mayroon pang risk, mapanganib ang paglabas ng bahay ng mga anak, ipagpapatuloy po kung ano man ‘yung distance learning delivery modality na ginagawa,” wika ni San Antonio,.

“Hindi ulit one size fits all ang ibibigay natin. Ang magde-decide kung how frequent, ilan ‘yung nandoon, basta hindi sosobra doon sa sasabihin namin,” dagdag pa niya.

Para naman sa Teachers’ Dignity Coalition, kailangang siguruhin ng DepEd na nakalatag ang health protocols at mga mekanismo kung sino ang papanagutin kapag kumalat ang sakit sa mga paaralan.

“Sana kung gusto nating gawin ito, isabay natin ‘yung pagtitiyak sa kaligtasan ng mga bata at kaligtasan din ng mga guro na kung sakaling may mangyayari na hindi inaasahan eh sino ang mananagot?” wika ni Emmalyn Policarpio, secretary general ng grupo, (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply