Halos 14K pamilya naapektuhan ng ‘Auring’ sa 3 rehiyon – NDRRMC

Halos 14K pamilya naapektuhan ng ‘Auring’ sa 3 rehiyon – NDRRMC

MANILA – Nasa 13,816 pamilya o 53,236 katao sa tatlong rehiyon sa Mindanao ang naapektuhan ng tropical depression Auring, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Batay sa data ngayong araw, ang mga naapektuhang residente ay mula sa 216 barangays sa Rehiyon 10, 11, at sa Caraga.

Ayon kay Mark Cashean Timbal, NDRRMC deputy spokesperson, 12,825 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa 308 evacuation centers.

Iniulat din ng NDRRMC na 179 bahay ang nasira sa Caraga region pa lang.

Patungo na ang “Auring” sa direksiyon ng Eastern Samar at maaaring mag-landfall sa nasabing lugar sa susunod na anim hanggang 12 oras, ayon sa PAGASA. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply