Hog raiser na apektado ng ASF, hito at tilapia raiser na ngayon sa tulong ng DA

Hog raiser na apektado ng ASF, hito at tilapia raiser na ngayon sa tulong ng DA

Makikita sa larawan si Eduardo Campo na dating hog raiser na nalugi sa ASF, ay sumubok sa kanyang backyard ng aquaculture sa kanyang tirahan sa Sitio Veterans, Barangay Bagong Silangan, Quezon City. Ang programa, na isang pakikipagsosyo ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Quezon at Kagawaran ng Agrikultura, ay bahagi ng promosyon ng Urban Aquaculture upang makabuo ng kita maliban sa hog-raising. Isang kabuuan ng 60 unit filtration system, 10,000 piraso ng HITO at 9000 piraso ng Tilapia fingerlings kasama ang isang beses na cycle ng feed ang magsisilbing starter kit at ibibigay sa may 60 kataong kinilalang beneficiaries mula sa barangay Silangan at Payatas Quezon City. (ART SON/AI/MTVN)

Leave a Reply